delete na to.
 
43 BikesHomeGalleryFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 MTB Fork: Coil to Air Conversion?

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
ajlopez

avatar

Number of posts : 8
Age : 27
Registration date : 2014-03-03

PostSubject: MTB Fork: Coil to Air Conversion?   Tue May 20, 2014 4:27 am

May naririnig ako na may gumagawa daw nito...
I hope hindi siya katulad nung nakita ko sa internet na basta lang pinalitan ng cap na may schrader valve yung preload caps.

*Sa mga kokontra dito at sasabihing bumili na lang ng air fork, Get lost bro. Di ka namin kailangan dito. Bahala kang mabulok yung utak mo. Para lang to sa mga matatalino.*

Pwede namang ibalik sa dati yung system as long as wala kang sisiraing piyesa. Sa instructions ko, wala ka namang sisiraing piyesa...

Pero may Idea ako. Actually, kung may kumpletong  materials lang ako, gagawin ko sa RST DIRT eh. Share ko na lang sa inyo. Share ko din pag nagawa ko na...

Materials:
1. Steel Epoxy
2. O-Rings 2pcs(depende sa size ng stanchion. pakisukat na lang yung inner diameter)
3. Oil - iniisip ko yung engine oil para smooth eh. pero kahit siguro 4-in-1. pang seal lang naman eh.
4. Card Board (for molding)
5. Plaster of Paris (for molding)
6. Oil ulit (for molding)
7. Schrader Valve (from interior)
8. Glue. kahit elmers.

Tools:
1. Allen Keys (shempre)
2. RST Top cap removal tool (optional - kung gusto mo gawan na lang ng paraan matanggal yung top cap, bahala ka)
3. Protractor
4. Ruler
5. Cutter

Procedure:
1. baklasin yung fork casting/lowers
2. buksan yung preload cap
3. tanggalin yung coil spring
4. sukatin yung inner diameter ng stanchion. (RST Dirt 31mm)
5. CA - gumawa ng circle cut-outs sa cardboard. Diameter = InnerDiameter - 0.7mm. Mga 7pcs
6. CB - gumawa ng circle cut-out sa cardboard. Diameter = Inner Diameter - 1mm. 2pcs
7. stack natin tong mga bilog at pag dikitin ng glue. Pattern CA-CA-CA-CB-CA-CA-CB-CA-CA
8. Mix natin yung Plaster of Paris. Search niyo na lang kung pano.
9. lagay mo yung stack ng cardboard sa plaster para maging mold pattern.
10. Mix Steel Epoxy Tapos i-mold mo sa lagayan ng top cap. Ensure na nalagyan mo ng oil yung thread para di dumikit.
11. Pasok mo yung Valve sa Epoxy. Siguraduhin na sealed. bahala na kayo kung anong diskarte niyo panong di puputok palabas yung valve pag sobrang high pressure na. Pati yung shape nung ibabaw. Recommend ko lagyan ng Washer yung Valve. Mold niyo rin sa Socket wrench para nabubuksan pa rin at nasasara.
*una pala yung 11 sa 10*
12. Tanggalin mo na yung cardboard stack sa plaster. Make sure na kasintigas na ng semento yung plaster. Bahala ka na kung pano mo tatanggalin basta walang matitira.
13. Mix Epoxy. Lagay mo na sa mold. Diskartehan mo na. basta makuha mabuti yung shape.. note. dapat di lumagpas sa diameter yung mold.
14. pag okay na yung mga steel epoxy. matigas na, basagin mo na yung plaster. Linisin mo yung bago nating piyesa. make sure walang matitirang plaster.
15. lagay mo yung o-ring sa mga puwang nung piyesa. dalawa yun ah.
16. Shoot mo na sa stanchion yung piyesa. sagad mo! hanggang dulo.
17. Tuluan  mo ng oil. tanchahin mo na lang mga 10ml
18. Lagay mo yung bago nating top cap na may valve. Sikipan mo. Wag todong todo, baka malambot pa steel epoxy. Pag tumagal na ng 3days, saka mo sikipan mabuti..
19. Hanginan mo na sa SHELL!!!! Tipong pag nakasakay ka, lulubog ng 25% yung shock. or bahala ka na sa tuning mo
20. Happy Experimenting!!! Smile

Bahala na kayo sa mga idadagdag niyong improvements.
Kung gusto niyong 100% Safe at Good Quality, Wag niyo na bawasan procedures at sundin niyo mabuti.
*Sa mga kokontra dito at sasabihing bumili na lang ng air fork, Get lost bro. Di ka namin kailangan dito. Bahala kang mabulok yung utak mo. Para lang to sa mga matatalino.*

*Wala akong responsibilidad sa mga masisirang mga piyesa at buto.*

Pero kung susundin niyo ng maigi, malamang, good to!

*You can use better materials. - Halimbawa kung may mapagkukunan ka ng molten aluminum, mas maiging gamitin to kaysa sa steel epoxy. Or Fork oil palit sa 4-in-1 oil para sa sealing.*

*Pwede ring gamitin yung Original top cap as mold pattern para sa air cap. Be sure na binasa mo ng oil para di dumikit yung plaster.*

*Para sa mga katanungan: ajalejandrolopez@gmail.com FB: AJ Alejandro Lopez

Good luck, God Bless Very Happy
Back to top Go down
 
MTB Fork: Coil to Air Conversion?
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» R1 Fork Brake wheel conversion
» Cr500 fork conversion?
» usd fork conversion
» USD fork swap on XRR
» Cut Front Fork Springs?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
43 Bikes Philippines :: BIKING BY DISCIPLINE :: All Mountain / Trail Riding / Cross Country-
Jump to: